Description
Hindi sana gustong maniwala ni Ginny na may dala ngang suwerte ang heirloom bowl na minana niya sa mga magulang. Pero sunud-sunod ang kamalasang dumating sa buhay niya mula nang mabasag iyon: nasangkot ang pangalan niya sa drugs, namatay ang isa niyang kamaganak, at nalaman niyang nalulugi ang kompanya ng pamilya niya. Parang totoo nga yata ang mga kuwento ng ina tungkol sa maalamat na mangkok.
At dumagdag pa sa listahan ng kamalasan niya: para mawalan ng bisa ang malas na dulot ng pagkabasag ng bowl, kailangan niyang magpunta sa Beijing, China kung saan naroon ang libingan ng kanyang ninuno at ialay ang heirloom, kasama ang nakabasag—walang iba kundi ang kaaway niya mula pa noong ten years old siya at perpetual taga-dala ng malas sa buhay niya—si Yuan Lee…
Reviews
There are no reviews yet.