Description
Mahirap man, masaya pa rin ang buhay para kay Dr. Alexandra, isang veterinarian. Hanggang sa mahuli niyang may kasamang iba ang kanyang boyfriend. Imbis na umamin at humingi ng tawad, ito pa ang unang nagalit.
Umandar ang katarayan niya. Sa harap nito, gumawa siya ng charade at ginawang props ang kotseng nakaparke at ang lalaking pasuray-suray na dumarating. Tinawag niyang ‘Honey’ ang huli. Nakita niyang gulat na gulat ang soon-to-be ex-boyfriend niya kaya itinuloy na niya ang pagdadrama. Hanggang sa siya na ang nag-drive ng kotse ng lasenggong umiiyak.
Nang ihatid niya ang pobre sa isang pangmayamang subdibisyon, hindi niya akalaing wala na iyong uwian…
Reviews
There are no reviews yet.