Description
Hindi lubos-maisip ni Ashley kung paanong ang lalaking matalik na kaibigan niya noong college at may pang-sumo wrestling na katawan ay pangmodelo at makalaglag-panty na ang hitsura ngayon. She found the ‘big change’ amazing. At unti-unti, nahulog na naman siya sa karisma ni Rafaelo.
Nang iparamdam sa kanya ng binata na mahal pa rin siya nito ay buong pusong ipinagkatiwala rito ni Ashley ang kanyang sarili. Sa tuwing nagtatama ang mga mata nila ay nakikita niya ang pagmamahal ng lalaki para sa kanya.
Pero puwede ring nagkamali lang siya; na ilusyon lamang niya iyon at assumera siya. Kasi kung totoong mahal siya ni Rafaelo, bakit hindi nito magawang sabihin ang ‘I love you’?
Reviews
There are no reviews yet.