Description
May bagong kapitbahay si Nicole, at ubod ito ng kisig. Kaya lang, medyo mailap ito. Mabuti na lang at mabilis niyang nakasundo ang ina nitong si Nanay Lydia.
Nahalata agad ng ginang na may gusto siya sa unico hijo nitong si Leon at botong-boto ang nakatatandang babae sa kanya, kaya binigyan siya ng basbas para ligawan ang nag-iisang binata nito.
Hindi si Nicole ang tipo ng babae na pakipot, kaya sinunggaban niya ang alok ni Nanay Lydia. ‘Mothers know best’ daw, kaya niligawan nga niya si Leon. Ang kaso, ang binatang ubod-kisig, pakipot pala. Paano na ang pagsinta niya?
Reviews
There are no reviews yet.