Description
Walang panama si Cinderella sa mga hirap na pinagdadaanan ni Julia. Maagang namatay ang mama niya at naging kaawa-awa ang kalagayan niya sa sariling bahay mula nang mag-asawang muli ang kanyang ama. Malupit ang kanyang madrasta at na-brainwash nito ang papa niya, kaya nawalan ng amor sa kanya.
Tulad ng nabanggit na fairy tale character, may mala-Fairy Godmother din si Julia sa katauhan ng best friend niyang si Marvin. Ito at ang pamilya nito ang naging takbuhan niya noong mga panahong wala siyang ibang kakampi.
Pero si Marvin din kaya ang Prince Charming niya? O ang guwapong boss ng dalaga na nagpahayag ng interes sa kanya? Magkaroon pa kaya ng happy-ever-after ang kuwento ni Julia?
Reviews
There are no reviews yet.