Description
Ellie loved Zach, and she thought he loved her, too. Pero niloko lang pala siya ng lalaki, ginusto lamang na maikama siya.
Matapos ang ilang taon, nagkita uli sila. May kailangan siya sa binata at ibibigay lang nito iyon kung papayag uli siyang magpagamit dito. Ngunit nagdadalawang-isip si Ellie kung kakagatin ba niya ang alok ni Zach. Bukod sa galit pa rin siya dahil sa ginawa nitong panloloko sa kanya noon, mayroon na rin itong fiancée.
Hindi rin naman niya basta-basta na lang matatanggihan ang alok ng lalaki. Nakasalalay roon ang kinabukasan niya at ng kanyang pamilya.
honlen009 (verified owner) –
GANDA! ❤️ Tamang timpla ang storya. My kind of story, my kind of hero and my kind of heroine! Kuhang-kuha ang timpla ko pagdating sa mga ganitong stories, infairness hindi talaga ako naumay 👍 Medyo nabitin lang ako sa ending kasi I was like “Yon na yun?” but anyway, masyado naman akong na-excite sa beginning chapters. Plus, the fact na may nakuha rin akong aral not just about life and love but also about God 🙏 Keep up the good work, author ❤️ God bless you and more stories to come please! ❤️❤️