Description
Unang beses na nakita ni Catalina si Chris, naroon na iyong kakaibang pakiramdam na nakilala na niya ito noon. Sa mga panaginip niya kung saan iba ang pangalan at lengguwaheng ginagamit niya, naroon ang binatang kahawig ni Chris—kasama niya, kaalitan niya… kaniig niya.
At hindi niya alam kung bakit apektado siya ng lahat ng iyon. Sumasakit ang puso niya sa kalungkutang sumasakop sa kanya.
Somehow, she knew it wasn’t the first time they met. Somehow, she knew in another life, he had been hers. Pero sa kasalukuyang lifetime, iba ang nagmamay-ari kay Chris….
Kimmmshie (verified owner) –
I don’t know what went wrong with the story. May kulang. Parang “pilit” or it needs more..meaning habaan pa yung kwento? Andun na eh, magandang plot, hero and heroine na swak.. pero somewhere parang may kulang. Hmmm, kumbaga sa food “matabang”. Dont get me wrong i loooove Ms dior madrigal. In fact halos siya ang laman ng bookshelf ko. Ako siguro may problema..i was expecting more from this..
alfernierves (verified owner) –
Nagustohan ko po ang story. 🙂