Description
“Iniiwasan mo ba ako?” ani Jonas.
“Hindi, ah,” tanggi ni Elle.
“I want us to be friends.” Nakatitig ito sa dalaga. Kung hindi alam ni Elle ang totoo, iisipin niyang inaakit siya ng mga matang iyon.
“Sure. Why not?” napipilitang sagot niya.
Para kay Elle, luma na ang dialogue ni Jonas. Narinig na niya iyon sa mga lalaking nagpapalakas sa kanya dahil interesado sa kapatid niya. Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi niya ikinatuwang maging kaibigan ang binata.
Naiinis siya dahil hindi man lang nito maramdaman ang kuryenteng dumaloy sa pagkakadaiti ng mga kamay nila….
Reviews
There are no reviews yet.