Description
It was all new to Alyana. Hindi niya naranasan minsan man na magkanobyo dahil subsob siya sa pag-aaral noon ng abogasya. At hindi naman siya nabigo. She was now one of the best corporate lawyers in the country. Sa kanyang pananaw, aksaya lang ng panahon ang pagkakaroon ng romantic relationship.
But here she was at the moment: apparently meeting the first man capable of making her heart flutter. Sinaway niya kaagad ang sarili. Naroon siya sa Isabela para matagpuan ang nawawalang tagapagmana ng kliyente niya, hindi para maghanap ng nobyo. Pero kung susuwertehin si Alyana, matatagpuan niya iyon pareho—nang sabay at sa iisang tao…
Reviews
There are no reviews yet.