Jean Mae Oryza

Follow Your Heart

49.00 39.20

Description

     Natural lang na makipag-break ang isang babae sa isang lalaki kapag hindi niya na ito gusto. Ang hindi natural ay ang makipag-break sa isang lalaking ni hindi mo boyfriend—na siyang nangyari kay Cat. Tahasan siyang nakipaghiwalay kay Japhet Falcon noong mga bata pa sila.
     At ngayong ikakasal na ang papa niya ay gustong kunin ng future stepmom niya ang serbisyo ng lalaki bilang wedding photographer. Sa kagustuhang maibalik ang amor ng ama sa kanya, pikit-matang nagboluntaryo si Cat na hanapin ang nagtatagong lalaki. Kasabay ng pagdarasal na sana ay hindi na siya nito naaalala pa.
     Pero mukhang kailangang pikit-mata rin niyang tiisin ang kahihiyang iyon. Dahil isang malaking katibayan ang amused at nakalolokong ngiti nito habang tinititigan siya.
     “Paano kung tumanggi ako? Makikipaghiwalay ka ba ulit?” nang-iinis na tanong ni Japhet.
     Sana ay naging invisible girl na lang siya…

Read Preview

Additional information

Author

Jean Mae Oryza

Page count

134 pages

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.