Description
Lumaking insecure si Patricia dahil sa kapatid niyang mas maganda at mas fashionable. Ni hindi siya umaasang may chance siya sa kanyang crush. Pero naging malapit siya sa itinuturing na crush ng bayan, si Reynolds.
Aaminin niya, bato lang ang hindi magkakagusto sa kanyang kaklase. Guwapo si Reynolds, matangkad, athletic ang katawan at tipong Hollywood hunk ito dahil Inglisero. Pero nakakaramdam man siya ng pagkahulog sa kaibigan, alam niyang wala iyong patutunguhan. Malamang hindi siya nito type. Isa pa, panay na ang bakod dito ng kanyang nakababatang kapatid.
Pero okay lang, magkaibigan lang naman sila ni Reynolds. Friends lang, period.
Reviews
There are no reviews yet.