Description
Walang kokontra kung sasabihing na kay Joshua dela Rama na ang lahat—tagumpay sa negosyo, gandang lalaki at respetadong pangalan… at mga babae. Lahat na ng klaseng babae ay napasakanya na pero wala ni isa man siyang tunay na inibig.
Kabog sa dibdib. Ito lang ang batayan niya para masabing karapat-dapat pakasalan ang isang babae. At iyon ang kanyang nadama nang makaharap si Phoebe Samonte.
She was like an unopened flower; a rosebud tightly closed. Pero bakit ito ganoon? Katakatakang parang immune ito sa kanyang charms. He swore he would find out. Dahil sa kasagutan niyon nakasalalay ang kanyang kaligayahan….
Reviews
There are no reviews yet.