Description
Napalitan ng kalituhan ang kasiyahan ni Marga sa pagbabalik ng malay ni Anghel, nang magsalita ito, “W-who are you?” tanong nito.
Napamulagat siya. Nanginig ang buong katawan niya. “A-ako si Marga, Anghel. Ako ang girlfriend mo. Hindi mo na ba ako natatandaan?”
Napakunot ang noo nito. “I’m sorry, Miss, ngayon lang kita nakita.”
Parang latigong lumalatay sa kanyang puso ang binitawang salita ng katipan. Tila mapupugto ang kanyang hininga nang mga sandaling iyon.
Dumating na ang oras na kinatatakutan ni Marga na hindi siya nito makilala. Nakalimutan ng binata ang kanilang pag-iibigan na tila hindi iyon nangyari kailanman…
Reviews
There are no reviews yet.