Description
Bata pa lang, mahal na ni Ysobel si Tristan. Pero kababata lang pala ang turing nito sa kanya. Minabuti niyang mag-aral sa Davao para makaiwas sa binata.
Limang taon makalipas, muli silang nagkita. Buong akala ng dalaga, naka-move on na siya, pero nagpakita ng interes sa kanya si Tristan—ewan kung dahil na-miss nito na may bubuntot-buntot ditong admirer o nagseselos dahil may nobyo na siya.
Anuman ang rason, wala siyang balak na magpaakit muli rito.
Pero isang araw ay bigla siyang hinalikan ni Tristan….
Reviews
There are no reviews yet.