Description
Pinutol agad ni Gareth ang tangka ni Arianne na pagdadahilan. “You’re coming with me. Hindi ba’t gusto mong makuha ang lupa para sa ipapatayong bahay-ampunan ng foundation ninyo?” Natigagal ang dalaga. Parang nahuhulaan na niyang ibablackmail siya ng lalaki. “You’ll have it. On one condition…”
“A-anong kondisyon?”
“I will have what’s rightfully mine. Ikinasal tayo nang walang honeymoon, remember?” Hinaplos ni Gareth ang kanyang pisngi. Hanggang sa untiunting bumaba ang mga labi nito sa kanya.
Napasinghap si Arianne sabay pikit. Tila nabura sa isip niya na matagal nang annulled ang kasal nila… ten years ago to be exact.
Reviews
There are no reviews yet.