Description
Gusto ni Bryce na paulanan ng mga tanong si Nadine at alamin kung ano ang ginagawa nito at nakikipagmabutihan sa ibang lalaki sa araw mismo ng kasal nila. Pero bago pa siya makapagsalita, inunahan siya ng babae.
“Huwag mo nang ituloy,” anito. She was smiling but her eyes were as cold as ice. “Tumawa ka at magsimula na tayong magpaalam sa mga bisita. Sa bahay na tayo mag-usap.”
He swallowed the words that he wanted to say. Instead, as a warning to her, he kissed her abruptly… hungrily. Kung hindi sa malakas na palakpakan at sigawan ng mga tao sa paligid nila, hindi pa siya titigil.
Nang makita ang namumulang mukha ni Nadine at ang galit sa mga mata nito, wari ay nagising si Bryce mula sa ilusyon niya.
Of course, bakit ba parati na lang niyang nakakalimutan? They were just pretending.
Reviews
There are no reviews yet.