Description
“Hindi ko kayang magpakasal sa ’yo,” ani G.
Tumiim ang bagang ni Rett. “Why not?”
“Because you’re not marrying me for the right reasons,” mahinang turan niya. “Hindi ko alam kung bakit gusto mo akong pakasalan, pero sigurado akong hindi para sa mga tamang dahilan.”
“Oh?” Humalukipkip ito. “And just what is the right reason?”
Because you love me. Nasa dulo na ng dila ni G ang mga salitang iyon pero hindi niya maisatinig. May mga bagay na dapat ito ang makadiskubre nang kusa.
Sana nga lang ay ma-realize ni Rett iyon bago sila magpakasal ten minutes from now…
Reviews
There are no reviews yet.