Description
It was a marriage na mas tamang tawaging ‘business arrangement’. Anumang gawin ni Jenny na paninisi sa pumanaw niyang abuelo, wala siyang magagawa kundi sundin ang gusto nitong pakasalan niya ang batang-bata nitong business partner na si Joshua De Arguello.
Hindi madaling kumbinsihin ang lalaki, lalo pa at engaged na pala ito sa long-time girlfriend nito. Laking pasalamat niya nang pumayag ang binata.
Anyway, pareho naman silang magbebenefit mula roon at isa pa, after two years ay maghihiwalay rin sila.
Plantsadong-plantsado ang plano nila; hindi nila naisip na magkakaaberya pa. They never meant to fall in love. Pero iba ang nakatadhana…
Reviews
There are no reviews yet.