Description
Kung hindi lang sa pamilyang kailangan niyang suportahan, baka hindi tumagal si Marsh sa pagtatrabaho bilang sekretarya ni Henry De Villa. Totoo nga pala ang tsismis tungkol sa lalaki; maaaring mukha itong Prince Charming, pero pang-Beast ang kasamaan ng ugali nito.
Naiirita man dahil halata niyang sinasadya ng amo na sagarin ang kanyang pasensya para magresign na siya, hindi papatalo na lang basta si Marsh. Kung naiinis si Henry, puwes, humanda ito dahil hindi siya mananahimik na lang basta.
Pero hindi pa man nagtatagal, iba na ang tempo ng tibok ng puso ni Marsh. Gulong-gulo siya; hindi niya alam kung dapat ba niyang unahin ang kanyang pamilya o ang nararamdaman para sa binata.
Reviews
There are no reviews yet.