Description
Luhaan, walang pera, nag-iisa’t walang kasama. Iyan si Matilda nang umalis ng probinsya.
Masaya, milyonarya, may batang kasama. Iyan na ngayon si Matilda nang umuwi sa kanila.
Lahat ay nagtataka. Ano ang nangyari? Paano siya nagkapera? Sino ang bata?
Lahat ay may kani-kanyang haka-haka, pero si Leandro, iba ang paniniwala. Kahit ilang beses niyang itinanggi, ipinipilit ng lalaki na anak nila ang bata, at hindi raw ito papayag na hindi siya muling makuha.
Hah! Ano siya, bale? Magdusa ito, pero hindi na siya ulit magpapauto…
“Umayos ka, Matilda! Hindi ka na teenager, milyonarya ka na….” paalala niya sa sarili.
Pero shutek na malagkit, paano ba niya iiwasan ang loko-loko, eh, bukod sa desidido itong tuklasin ang totoo, mas lalo pa itong naging guwapo, macho, at mabango?
Reviews
There are no reviews yet.