Description
Masyado nang sanay na mag-isa si Sabryna. Hirap din siyang magtiwala dahil sa mga dinanas niya sa buhay. Kaya naman hiniwalayan niya si Andrew. Sa isip ng dalaga, masasaktan niya lang ito. Kung hindi naman, iiwan din siya ng lalaki kapag tinagal-tagal.
Dalawang taon matapos, pinagsisisihan pa rin ni Sabryna ang desisyon niyang iyon. At nang magkita silang muli, gustong-gusto na niya itong lapitan at kausapin. Nais niyang magpaliwanag at humingi ng tawad, at umasang iintindihin ulit siya nito. Na bigyan ulit siya ni Andrew ng isa pang pagkakataon. Pero paano nga ba? Pakikinggan pa kaya siya ng dating nobyo? Matatanggap pa kaya siya nitong muli?
Kahit alam niyang napakaimposible na niyon, gusto pa rin niyang sumubok.
Reviews
There are no reviews yet.