Description
Para kay Ginny, minsan lang dumating ang pag-ibig. Kung hindi mo pa ito hahabulin ngayon, baka hindi na ito dumaan ulit.
Love at first sight, iyon ang alam niyang nangyari sa kanya nang makilala niya si Rain. Bigla, naging mas exciting ang kanyang bakasyon sa Pilipinas dahil sa kanyang bagong object of affection. Halos araw-araw niya itong dinalaw at dinalhan ng niluto niyang mga pagkain.
Ngunit parang isang daang beses na dinurog ng pison ang puso ni Ginny dahil ang lalaking mahal niya ay may mahal na palang iba. How painful. And how very cliché.
Pero sa isip ay determinadong nakapagdesisyon na ang dalaga. Hinding-hindi siya papayag na mapunta sa iba si Rain!
Reviews
There are no reviews yet.