Description
One fateful night. One missent text. The rest is history.
I remembered him telling me on the phone last night that his name’s Sebastian, pero sa sobrang shunga ko, ang akala ko pinagtitripan lang ako ng mga kaibigan ko.
“Pasensya ka na. I am still drowning in shame kasi nagpalibre ako sa ’yo when in fact hindi tayo close. Teka lang, may salbabida ka bang dala dyan kasi kailangan kong makaahon sa hiya?” I blurted out and he laughed. At ang cute niya. Sarap maglaslas, sobrang nakakahiya!
“Wala akong salbabida pero may dala akong tabo, tulungan kitang maglimas?” he asked and I couldn’t help but smile. “So can you stay for coffee? Please stay, Sapphire, kahit ilang minutes lang.”
Hindi ako sumagot kasi nagdadalawang-isip pa rin ako.
“Sige na, malay mo di ba, this could be the beginning of a very beautiful friendship.”
Friendship daw? Friendship lang? At bakit daw ako disappointed?
Reviews
There are no reviews yet.