Description
Lumapit si Kahlil sa kanya at hinaplos ang mukha ni Kira bago pa niya ito napigilan. “Have I seen you somewhere, Miss Vence?” tanong nito.
“I don’t think so,” pagsisinungaling niya.
“Weird. You remind me of this girl na na-meet ko noon.”
Kinabahan si Kira. Naaalala kaya siya nito? Pero imposible, ‘invisible’ siya sa lalaki noon. She suddenly turned cold. “Sigurado akong tanga siya.”
“Hindi.” He seemed so sure. “Siya lang ang babaeng hindi naghabol sa akin.”
Muntik na siyang mapaubo. Kung alam lang nito ang tungkol sa picture nito na pinakatatago pa rin niya hanggang ngayon….
Reviews
There are no reviews yet.