Description
“May problema ba?” tanong ng estrangherong nilapitan niya.
Sa kabila ng sitwasyon, nagawa pa ni Leila na pansinin ang di-ordinaryong kakisigan ng kaharap. “I need your help. May… may humahabol sa akin. Please help me.” Gusto na niyang umiyak sa takot. “They’re coming to kill me.”
“Hey, hey, take it easy,” mahinahong saad nito.
“I… ” Nakita niya sa sulok ng mga mata na palapit na sa direksyon niya ang mga lalaking humahanap sa kanya. Nanginginig na hinablot niya ang kuwelyo ng kaharap. Ang intensyon niya ay itago ang mukha sa leeg ng lalaki, pero gumalaw ito at nagkadikit ang mga labi nila.
This time, Leila felt a different sensation invading her body….
Reviews
There are no reviews yet.