Description
Hula ni Dimples, tatanda siyang dalaga. Sa pakiramdam niya, ang calling niya sa buhay ay ang mahalin lamang si Bryan. At dahil best friend ang turing nito sa kanya sa nakalipas na lampas isang dekada, malamang magkaibigan lang sila hanggang sa mamatay siya.
Ngunit minsan ay aksidenteng nagkadikit ang mga labi nila ni Bryan at sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, parang mas naging protective pa sa kanya ang binata. Gusto na niyang maniwalang nagseselos ito, pero noon naman bumalik ang first love ng kaibigan.
Wala na. Mukhang dadalhin na lang talaga ni Dimples hanggang hukay ang damdaming hindi niya masabi-sabi kay Bryan….
Reviews
There are no reviews yet.