Description
Jax Del Corro is not interested in finding love. Sa ngayon, wala iyon sa mga priorities niya. Pero napakakulit ng tiyahin niya (na sobra niyang mahal kaya di niya magawang tanggihan) kaya napilitan siyang pumayag na makipag-blind date kahit alam niyang hindi siya ang klase ng lalaki na ka-date-date.
Akalain ba niya, iyong pinaka-hate niya sa lahat ang nagkataong date niya! At tatlong beses iyong nangyari! Sa estado ng kamalasan ni Jax, gusto na niyang maniwalang nagtraydor siya sa bansa niya noong past life niya.
Gusto niyang umiwas kay Riri Tolentino, pero parang pinagkakaisahan sila ng mga puwersa ng tadhana (a.k.a. ng mga kakilala nila, albeit unintentional) at nauwi silang magkasama sa trabaho at magkapitbahay sa loob ng isang buwan.
Talaga naman! Silipin niya kaya sa salamin? Baka nga may balat siya sa puwet.
Reviews
There are no reviews yet.