Description
“Gusto ko sanang dito muna manatili nang ilang araw,” tukoy ni Romano sa bahay na iyon.
Takang napatitig si Halley rito. Sa kanila ito titira pansamantala? tarantang naisip niya. Makakasama niya ito sa iisang bubong at arawaraw na makikita?
Bilang ama-amahan sa mga naulila niyang pamangkin, alam niyang resonable lamang iyon. Kasabay ng tuwa, inatake rin siya ng takot.
Halley missed him for the last two years that he was away. Nag-aalala siyang baka masyado silang masanay sa presensya nito ngayon. Mahirap na, baka hanap-hanapin niya ito, oras na iwan silang muli ng binata…
Reviews
There are no reviews yet.