Description
For Chester Martinez, coffee equals bad memories. Dalawang babae kasing mahilig magkape ang nagdulot ng heartache sa kanya.
Torpedo kasi siya kaya lahat ng natitipuhan niya, umaalpas lang sa kamay niya. Tukso tuloy ng mga kabanda niya: kung gaano siya kabilis gumawa ng kanta, ganoon naman siya kabagal sa mga chickababes. Mr. Shoulder-To-Cry-On na lang yata siya forever. Wala man lang tuloy siyang maalayan ng love songs na nako-compose niya.
Pero di naman nawawalan ng pag-asa si Chester. Alam niyang nasa tabi-tabi lang iyong babaeng ginawa ng Diyos para sa kanya—iyong hindi siya ipi-friendzone at di mahilig sa kape….
Reviews
There are no reviews yet.