Description
Si Dustin ay tila katulad ng mga prinsipeng nababasa lamang ni Miranda sa mga aklat ng kanyang Tito Mario: matangkad, masarap pagmasdan, parang hindi totoo, lahat perpekto. Ang mga mata nito ay tila nangungusap. At ang mga labi nito, parang ang sarap hawakan. Habang tinititigan niya ito, gusto niyang haplusin ang kabuuan nito. Maging ang boses nito, tumatagos sa kanyang kaluluwa, ang ganda sa pandinig.
Nayakap niya ang sarili. At malungkot na napapikit.
Hanggang doon na lang iyon. Hindi na siya mapapalapit dito kailanman. Dahil bukas, kailangan na nitong lisanin ang lugar na iyon na malamang ay habambuhay naman niyang magiging kulungan…
Reviews
There are no reviews yet.